Programa ng Buwan ng Wika at Kultura 2007 (KA* HIWAGAAN)

Aug. 2, 2007 (ika-9 n.u., Huwebes, Xavier Hall)PAGTATAAS NG BANDILA
Pangungunahan ng Ateneo Glee Club ang pag-awit ng Lupang Hinirang bilang pormal na Pagbubukas ng Buwan ng Wika at Kultura. Kasama sa pagtitiponang Kagawaran ng Filipino, ang Pansamantalang Dekano ng Paaralan ng Humanidades- Dr. Benilda S. Santos, VP Dr. Cuyegkeng at mga mag-aaral.

Aug. 2, 2007 (ika-9:30 n.u., Huwebes, MVP Basement)PAGBUBUKAS NG EXHIBIT AT PARANGAL KAY G. TONY PEREZ
Gagawaran ng Gawad Natatanging Alagad ng Sining 2007 si G. Tony Perezpara sa kanyang mahalagang ambag sa Panitikang Filipino. Isang photo exhibit tungkol sa pinarangalan ang bubuksan. Magkakaroon din ng booksale at manuscript sale ng mga akda ni G. Tony Perez.

Agosto 6, 2007 (ika-4:30 n.h. Huwebes, Escaler Hall)
UNANG PANAYAM (G. EDGAR SAMAR "Ang Daigdig ng Dilim sa mga Katha ni G.Tony Perez)
Kaugnay ng tema ng Buwan ng Wika at Kultura 2007, magbibigay ng unang panayam si G. Edgar Samar ng Kagawaran ng Filipino ukol sa mga akda ni G.Tony Perez.

Agosto 17, 2007 (Hanggang ika-4:30 n.h., Kagawaran ng Filipino)
PAGPAPASA NG MGA LAHOK SA TIMPALAK TULA, AWIT AT MALIKHAING SANAYSAY
Bukas ang mga timpalak sa mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo. Malayaang paksa para sa Timpalak-Tula at awit. Ang tema naman saTimpalak-Malikhaing Sanaysay ay "Kahiwagaan: Saysay at Sanaysay."

Agosto 22, 2007 (ika-4:30-6:30 n.g., Escaler Hall)
PANONOOD NG PELIKULA (HULING BALYAN NG BUHI ni Sherad Sanchez)
Kasama ang Loyola Film Circle, ipalalabas ang pelikulang "Huling Balyanng Buhi" ni Sherad Sanchez at isang open forum ang magaganap matapos ang palabas.

Agosto 24, 2007 (ika-4:30-6 n.g., Escaler Hall)
ELIMINATION ROUND NG KWIZ BEE-BO
Bukas sa mga mag-aaral ng Fil. 14 ang timpalak na ito. Sa elimination round malalaman ang huling limang team na maglalaro para sa Kwiz Bee-Bo.

Agosto 30, 2007 (ika-4:30-6 n.g., Escaler Hall)
KWIZ BEE-BO
Ang mismong araw ng pagtutunggali ng limang team para sa Kwiz Bee-Bo.

Agosto 31, 2007 (ika-4:30-8 n.g., Escaler Hall)
KA* OPEN MIKE POETRY READING AT AWARDING
Kulminasyon ng mga aktibidad ang KA. Dito pararangalan ang mga nagwagi sa Timpalak-Tula at Malikhaing Sanaysay. Gayundin ang pagtatanghal ng mga napiling kalahok para sa Timpalak-Awit. Magkakaroon din ng open mike poetry reading.